"Nasagot mo
lahat, 'no?"
Nginitian ko lang
ang ang aking kaklase. Siyempre naman nasagutan ko ang lahat. Dapat lang
masagot ko ang lahat. Nag-aaral ako, di ba? Lahat naman kami ay nag-aaral, di
ba?
Nakahinga ako ng
maluwag nang makalabas na kami sa gusali ng College of Social Work. Ang sarap
talaga dito sa puno. Hindi gaano marami ang mga halaman sa paligid pero okey na
'to. Haay, na-mimiss ko na ang baryo
namin sa probinsya at ang sariwang hangin.
Sabagay, puwede
ko siyang tawagin at ililipad niya kaagad ako papunta doon. Pero hindi!
Buti na lang
maramig puno at halaman sa unibersidad na ito. Puwede akong magpantasya na wala
ako sa lungsod at sa mapolusyong hangin ng Metro Manila.
Wala dapat
ikatakot si Lola Asay na magiging masamang impluwensya sa akin ang umalis sa
aming baryo. Meron kayang simbahan sa malapit! Matatakot lang na lapitan ako ng
mga masamang impluwensya.
May tatlong oras
pa ako bago ang susunod na subject. Punta muna ako ng dorm para mag-aral.
Maglalakad na lang ako kaysa sumakay ng jeep. Malapit lang naman at saka exercise din 'yun.
000ooo000ooo000ooo000
"Nandyan na
ako."
Kinuha ko uli ang
aking bag at samu't saring folders. Kailangang bumalik uli ako sa CSW. Wala pa
nga akong 10 minutes sa dorm. Ano kaya ang problema sa aming org?
Ba't ba wala pang
jeep? Kung wala, maglalakad uli ako. Ah, heto na.
"Pasalamat
ka may jeep na dumaan kaagad sa dorm," sabi ko sa aking ka-org. Kakakita
ko lang sa kanya mga 30 minutes ang nakakalipas nung nagklase kami at binigyan kami
ng surprise quiz na may kasamang essay questions.
"Buti
nandito ka. Maga-outreach ang org sa Bulacan bukas at sa Linggo. Wala pang
visual aids para dito. Tulungan mo akong gumawa."
"Ng visual
aids, mga slides sa Powerpoint? Hindi ako ganun kadunong," sabi ko.
"Okey lang.
Hindi naman puwedeng gumamit ng computer doon, e. Mahirap ang kuryente. Gagamit
na lang tayo ng manila paper o kartolina. O lumang kalendaryo. Heto ang mga
pentel pens."
"Asan ang
mga susulatan?" tanong ko habang tumitingin sa paligid. Inipon ko ang mga
manila paper at lumang kalendaryo. May nakita rin akong libro na tungkol sa disaster preparedness.
"Tungkol ba
dito ang gagawin yung isusulat natin? Anong page?" tanong ko.
Pagkalipat ko sa
tamang page, hinanda ko ang mga manila paper para sulatan. "Pati
'to?" turo ko sa mga diagram na nasa page.
"Sa akin na
lang 'yan," sabi niya. "Pahingi ng manila paper."
Mga isang oras
din naming binuno ang mga visual aids. Nakita ko na may mga fasteners, scotch
tape at paper clips kaya pinagsama-sama ko ang mga nagamit na manila paper para
madaling iligpit at gamitin sa outreach.
"Wow!"
bulalas ng taga-org ko. "Napaka-efficient mo naman. Isa ka talagang
tagapagligtas."
"Tagapagligtas
ka dyan," balik ko sa kanya.
"Parang
halos superwoman ka na nga, e," sabi niya. "Ang galing mo sa klase
tapos lagi ka pang handang tumulong dito sa org natin. Kulang na lang meron
kang malaking gold agimat na may pakpak dito sa noo. Kung may red na bathing
suit, pwede ka nang lumipad."
"Lumipad,
ha-ha," balik ko habang nililigpit ko ang mga ginamit para sa visual aids.
Medyo hindi ko na gusto ang pinupuntahan ng usapan namin. Nasa mukha ko yata
ang aking pagkabalisa dahil iniba na niya ang usapan.
"Second year
ka palang dito sa unibersidad, di ba? Di ba umuuwi ka sa probinsiya tuwing
June? Saan nga ba 'yon?"
"Baryo Masambong,
sa may Albay," balik ko. "Maraming delubyo ang nangyayari doon sa
loob ng isang taon."
"At puputok
pa yata ang Mayon sabi sa news."
"Oo nga.
Kaya nga gusto ko sanang maging sociologist, para matulungan ko naman ang
gobyerno sa disaster response."
"Hmm-"
biglang nag-ring ang aking celfone.
"Hello,
Ding? Napatawag ka. Problema? Sandali lang," tinakpan ko ang cell at
tumingin sa aking kaklase. "Sorry, kailangan kong sagutin ito e. Kapatid
ko."
"Okey
lang," balik niya. "Tapos na naman tayo dito e. Sige, bye, library
ako."
"Bye,"
sabi ko at binaling ko na naman ang aking atensyon sa cell. "Ding?"
-End-